
PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12123 na nagpapaliban ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kalatas ng Palasyo, kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi tuloy sa Mayo 12 ang halalan. Gayunpaman, nilinaw ng Palace official na tuloy ang eleksyon sa Oktubre 13 ng kasalukuyang taon.
Kabilang sa batayan ng pagpapaliban ng halalan sa BARMM ang usapin sa hindi pagsama ng Sulu rehiyon, gayundin ang nakabinbin petisyon na kumukuwestyon sa legalidad ng Bangsamoro Electoral Code of 2023, at ang hirit ng Commission on Elections (Comelec) para sa karagdagang panahon para makapaghanda.