MAHIGIT isang buwan makaraan magtala ng panibagong pahina sa kasaysayan bilang kauna-unahang atletang nakapag-uwi ng dalawang medalyang ginto sa Olimpiada ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo, patuloy pa rin ang pag-agos ng biyaya mula sa pribadong sektor.
Sa isang pagtitipon, muling nakatanggap ng gantimpala ang ArenaPlus Brand Ambassador na si Yulo – tumataginting na P5 milyon at pagkilala mula kay Eusebio Tanco na tumatayong Chairman ng DigiPlus para sa nasungkit na karangalan sa ginanap na 2024 Paris Olympics.
Kabilang rin sa binigyan ng pagkilala sina Gymnastic Association of the Philippines President Cynthia Carrion. Tumayong saksi naman sa paggagawad ng gantimpala sa Pinoy olympian si DigiPlus Vice President Celeste Jovenir. (CESAR MORALES)
