TALIWAS sa mga nakaraang proseso ng pagpili ng pamunuan ng Simbahang Katoliko, dalawang araw lang ang ginugol ng nasa 136 kardinal na miyembro ng Conclave para maghalal ng bagong Santo Papa, kapalit ng namayapang si Pope Francis
Sa bisa ng boto ng mayorya, ganap nang sumampa bilang Pope ang 69-anyos na si Cardinal Robert Francis Prevost ng Estados Unidos.
Samantala, pinili naman ng bagong Sto. Papa ang pangalang Pope Leo XIV.
Sa kaugnay na balita, nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong halal na Santo Papa.
“On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion- strong Catholic Church,” saad ng Pangulo.
Hangad naman ni Marcos maging inspirasyon ng sambayanan ang buhay at ministeryo ng bagong Santo Papa upang mas lalo pang magsikap sa araw-araw sa patnubay ng Diyos.
“The Filipino people are also praying for the new Pope’s strength and good health as he leads the faithful with grace, wisdom and compassion,” dagdag ng Pangulo.
