SA gitna ng nakamamatay na init ng panahon sa bansa, minabuti ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maglabas ng natatanging panalangin para sa pagbuhos ng ulan.
“We are respectfully sending the text of the Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam prepared by the Episcopal Commission on Liturgy for your consideration and use according to your pastoral discretion,” saad sa mensahe ni CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin sa liham na ipinadala sa mga arsobispo, obispo, tagapangasiwa at kura paroko.
Huling naglabas ng oratio imperata ang CBCP sa kasagsagan ng pandemya.
Batay sa datos ng Department of Interior and Local Government (DILG), nasa 130 lokal na pamahalaan na ang nagdeklara ng state of calamity para magamit ang emergency fund na tugon sa mga apektadong sektor.
