TALIWAS sa inaasahan, hindi kabilang ang oangalan ng kontrobersyal na aktres sa talaan ng mga sinampahan ng kasing kriminal kaugnay ng tinaguriang “missing sabungeros.”
Ayon sa Department of Justice (DOJ), walang sapat na ebidensyang magdidiin kay Gretchen Barretto sa kasong kidnapping with serious illegal detention na isinampa ng mga kaanak ng mga sabungerong dinukit at pinaniniwalaang pinatay.
Base sa mahigit 100-100-pahinang resolusyon ng DOJ Panel of Prosecutors sa pangunguna nina Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria at Charlie Guhit, wala rin umano probable cause at prima facie evidence sa naging imbestigasyon at pag-aaral na humantong sa pagbasura ng kaso laban sa aktres.
Una nang iginiit ng kampo ng aktres sa isinumiteng counter-affidavit na bigo ang whistleblower na si Julie Patidongan alyas Dondon na patunayan direktang sangkot o kasabwat si Barretto sa pagpaplano sa krimen.
Sa pitong reklamo na sumailalim sa preliminary investigation, isa ang ipinababasura habang ang anim na reklamo inirekomendang isampa sa korte.
Magugunitang bukod sa negosyanteng si Atong Ang at iba pang respondent kabilang ang ilang pulis inirekomenda ng DOJ sa isang resolusyon na tuluyan pagulungin ang hustisya laban sa mga suspek.
Bukid kay Barretto, lusot din si dating NCRPO Chief Jonnel Estomo dahil sa kawalan ng matibay na nagdidiin sa kanila sa kaso.
Samantala, ikinatuwa naman ng kampo ng aktres ang hindi pagkakasama rito sa inirekomendang makasuhan.
Giit ni Atty Alma Mallonga, abogado ng aktres, walang katotohanan ang paratang at ipinagpapasalamat nila na nakita ng DOJ na base sa ispekulasyon ang mga alegasyon. (Juliet Pacot)
