MISTULANG naipit sa nag-uumpugang bato si outgoing Parañaque City Mayor Eric Olivarez sa napipintong sagupaan ng kanyang maybahay at kapatid ng kongresista.
Sa pormal na paghahain ng kanyang certificate of candidacy pasa sa posisyon ng alkalde sa local Comelec office, binigyan pansin ni Aileen Claire Olivarez (ACO) ang mga aniya’y problemang kinakaharap ng mga residente ng lungsod – bagay na kanyang umanong tutukan sa sandaling masungkit ang pwesto.
Si Gng. Aileen Claire Olivares ay maybahay ni incumbent Parañaque City Mayor Eric Olivarez na nakatakdang lumaban bilang kongresista ng lungsod para sa susunod na halalan sa Mayo ng susunod na taon.
Pag-amin ni Aileen Claire, matagal na siyang umiikot sa iba’t ibang komunidad na bahagi ng pagtupad ng kanyang tungkulin bilang City Nutrition Action officer kasabay ng pagiging hepe ng cleanliness, beautification and sanitation department ng lungsod.
Aniya, may kakulangan pa sa maayos na edukasyon at serbisyong pangkalusugan ang lungsod.
