BAGAMAT hindi nasungkit ang asam-asam na korona, tuloy ang world tour ng pambato ng Pilipinas sa ginanap na 73rd Miss Universe beauty pageant, matapos itanghal na Continental Queen of Asia.
Ayon sa pamunuan ng Miss Universe, makakasama ni 2024 Miss Universe Victoria Theilvig ng Denmark sa paglilibot sa iba’t ibang panig ng daigdig si Chelsea Manalo ng Pilipinas.
Mandato ng Miss Universe ang pag-ilot sa iba’t ibang bahagi ng mundo para magsulong ng adbokasiya. Bitbit naman ni Manalo at iba pang napiling kinatawan ng iba’t ibang kontinente ang Asya.
Hindi nakapasok sa Top 12 finalists si Manalo.
