Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
GINUGUNITA ngayon ng Tingog partylist, sa pangunguna nina Reps. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre ang ika-12 anibersaryo ng masugid na pagsisilbi, matatag na adbokasiya at direktang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa bansa.
Taong 2012 nang naitatag sa lalawigan ng Leyte ang Tingog Leytehon na lumawak sa paglilingkod sa buong Eastern Visayas region bilang Tingog Sinirangan.
Matapos ang tagumpay sa 2019 elections, pinalawak ang serbisyo sa buong Pilipinas hanggang mahanay sa kategorya sa larangan ng pagiging tinig ng nasa laylayan ng lipunan at pag-aabot ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan bilang Tingog Partylist.
Garantiya ni Rep. Yedda Romualdez, magpapatuloy ang Tingog partylist sa pangakong higit pang makapag lingkod at makatulong sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng nakararami.
“As we celebrate this anniversary, we reflect on the progress we’ve made and the challenges we’ve faced. Our commitment to serving the people remains unwavering, and we look forward to continuing our work to uplift communities and empower individuals.” Ang pahayag pa ng lady lawmaker, na maybahay ni House Speaker Martin Romualdez.
“Tingog Partylist stands firm in its advocacy for socio-economic development, social justice, and human rights, with a strong focus on the rights of women and children, access to healthcare, and education.”
Sa panig ni Acidre, sinabi nitong sa panibagong yugto na tatahakin ng Tingog partylist, lalo pa nitong patatatagin ang adbokasiya, pagpapatupad ng mga programang ramdam ang positibong epekto at maging bahagi sa patuloy na kaunlaran.
“This milestone is not just a celebration of our past but also a commitment to our future. We are dedicated to creating more opportunities for dialogue and collaboration among the people we serve, ensuring that every voice is heard,” ayon pa kay Acidre.
“As Tingog Partylist celebrates its 12th anniversary, it reaffirms its commitment, not only to the people of Leyte and Eastern Visayas, but to all Filipinos across the nation. With deep gratitude for the support received over the years, Tingog is eager to embark on new initiatives that will further strengthen its advocacy and impact for inclusive and sustainable development,” dugtong ng ranking House official.
Simula nang maitatag, ang Tingog Partylist ay nakapaghain ng mahigit sa 500 na panukalang batas at ang iba sa mga ito ay ganap na naaprubahan at ipinatutupad na kabilang ang mga sumusunod:
- RA 11510 (Institutionalizing Alternative Learning System in the Basic Education for out-of-school children and adults): Providing timely support for the basic learning needs of out-of-school children, including indigenous peoples and adults in special cases.
- RA 11648 (Statutory Rape Amending RAs 3815 and 7610 of RPC and SPC): Providing a stronger protection against rape and sexual exploitation and abuse, increasing the age for determining the commission of statutory rape.
- RA 11934 (Sim Card Registration Act): A measure aimed at curbing cybercriminal activities.
- RA 11967 (Internet Transactions Act): Protecting online consumers and merchants engaged in e-commerce.
- RA 11983 (New Philippine Passport Act): Streamlining the processes for issuing and renewing Philippine passports.
Bukod dito, ang TINGOG Partylist ay aktibong tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad at pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Mayroong din itong matatag na ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para naman sa pagbibigay ng financial assistance sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Maging sa Department of Health (DOH) para naman sa pagpapaabot ng healthcare assistance sa mga nangangailangan.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 140 Tingog Centers sa iba’t-ibang lugar sa bansa para lalo pang makapaghatid ng mabilis at nararapat na suporta sa mga mamamayang Pilipino.