Ni LILY REYES
NAGHAIN ng tatlong magkakahiwalay na cyberlibel complaints sa Quezon City Prosecutor’s Office ang aktres na si Bea Alonzo laban sa showbiz columnist at talk show hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.
Kabilang din sa kinasuhan ang mga co-host sa kani-kanilang online programs, at isang hindi pinangalanang netizen na nagpanggap na nagsasalita sa ngalan ng aktres.
Ayon sa kampo ng aktres, naging biktima si Alonzo ng “false, malicious, and damaging information.”
Kasama ni Alonzo ang kanyang manager na si Shirley Kuan at ang kanyang abogadong Atty. Joey Garcia sa paghahain ng asunto sa piskalya.
Isa sa mga maling ulat na inirereklamo ay ang umano’y hindi pagbabayad ni Alonzo ng tamang buwis.
Kamakailan lang, tinapos ni Alonzo ang tatlong taong pakikipag-relasyon sa nobyong si Dominic Roque na hudyat ng di umano’y kabi-kabilang patutsada hinggil sa dahhilan ng hiwalayan.
