HINDI bababa sa 80 katao ang di umano’y sugatan sa pagsambulat ng riot sa loob ng bilangguang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal.
Sa datos ng BJMP, nasa 60 persons deprived of liberty (PDL) at 20 BJMP personnel ang nagtamo ng minor injuries sa riot sa loob ng [piitan noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, nagsilbing mitsa ng gulo ang isinagawang noise barrage ng pitong preso.
Nang tinangka umano pigilan ng BJMP personnel, pumalag ang mga preso hanggang sa humantong sa riot.
Sa tulong ng lokal na pulisya at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nagawang payapain ang mga bilanggong aminadong lumahok sa noise barrage dahil sa polisiya ng BJMP-San Mateo na ipagbawal ang pagpasok ng pera mula sa mga dalaw. Agad naman nilapatan ng lunas ang mga sugatan sa insidente.
Samantala, pansamantalang itinigil muna ng pamunuan ng nasabing piitan ang pagpapasok ng dalaw hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng imbestigasyong ikinasa ng punong tanggapan ng kawanihan
