Ni LILY REYES
HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mahagip ng humahagunot na SUV sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.
Naganap ang insidente dakong alas 2:00 ng madaling araw sa P. Tuazon tunnel. Gayunpaman, agad din pinakawalan ng lokal na pulisya ang hindi pinangalanang SUV driver matapos makipag-areglo sa pamilya ng biktima.
Kwento ng mga saksi, nililinis ng dalawang MMDA Parkway and Clearing Department personnel ang tiles sa pader ng lagusan nang bilang araruhin ng driver ng SUV ang “luminous cones” na nagsisilbing early warning device.
Sa kuha ng CCTV, hagip ang pagpasok ng mabilis na tumatakbong SUV sa binakurang lugar kung saan naglilinis ang dalawang MMDA employees.
