HINDI na nagawa pang pumalag ng isang lalaki matapos dakmain ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) bunsod ng malawakang bentahan ng mga hindi lisensyadong baril.
Sa impormasyong ibinahagi ng CIDG Batangas Provincial Field Unit, inaresto ang hindi pinangalanang suspek sa akto ng pagdedeliver ng tatlong loose firearms sa Barangay San Bartolome, sa bayan ng Sto. Tomas.
Ayon kay CIDG Acting Director Police Brig. Gen Christopher Abrahano, nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tatlong loose firearms, mga bala at magazines.
Ani Abrahano, sangkot ang suspek sa iligal na pagbebenta ng mga armas sa Batangas at mga karatig lalawigan.
PAra sa CIDG Calabarzon regional director, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng hindi lisensyadong baril na pwedeng magamit ang sa krimen at terorismo.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (EDWIN MORENO)
