NAMUMURO sa kalaboso ang isang dating partylist congressman na kilalang kaalyado ni Vice President Sara Duterte, sa sandaling pormal na isampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong human trafficking sa piskalya.
Pag-amin ni NBI Director Melvin Matibag, ihahain ang kaso laban kay former Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor sa Pasig City Prosecutor’s Office sa Biyernes, Hunyo 26.
Partikular na tinukoy ni Matibag ang pagsalakay ng ahensya sa isang KTV bar sa Pasig City noong Abril 21, kung saan 54 biktima ng sex trafficking ang nasagip ng mga operatiba.
Una nang sinampahan ng mga kaso ng NBI ang asawa ni Defensor na si Julie Defensor at anak na si Miguel Gabriel Defensor na sinasabing nangangasiwa ng sinalakay na establisyemento.
Bukod kay Defensor, nakatakda rin sampahan ng kaso si damay rin sa asunto ang VIP na sinasabing inabutan sa sinalakay na establisyemento.
Partikular na tinukoy ni Matibag si Wack Wack Golf and Country Club President Lawrence. Ang kaso — “crime of solicitation.”
Ayon kay Matibag, kasama si Tan sa mga sasampahan ng kaso matapos abutan ng mga operatiba sa loob ng Chicago KTV Bar habang isinasagawa ang anti-human trafficking operation.
