NILAMON ng apoy ang filtration system sa Barangay Felisa, Bacolod City noong Biyernes ng hapon. Sinabi ni FO2 Rolin Paulan, na nagsimula ang apoy sa filtration system ng facility. Agad kumalat ang apoy kung saan nakaimbak ang mga lumang gulong, ayon pa sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bacolod, bandang alas-5:33 ng hapon. Walang iniulat na nasaktan sa sunog na tumagal ng halos tatlong oras. Hindi pa rin batid ng arson investigators ang sanhi ng apoy. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Cayetano caravan, naghatid ng ayuda sa daang residente sa Quezon Nalalabing NPA sa Sultan Kudarat pinasusuko na ng militar