APAT na kabataan ang nasawi nang sumalpok ang sinasakyang kotse ng mga ito sa likurang bahagi ng truck sa Marcos Highway in Antipolo City, Rizal, madaling araw ng Lunes.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, chief ng Antipolo Police, ang mga biktima ay pawang edad 21-22 anyos na pawang mga resident eng Antipolo City.
“Kumpirmado na may apat tayong patay,” ayon kay Manongdo.
Sinabi sa report na pumasok ang kotse sa likod ng nasa unahang truck.
“Hindi ito head-on, ito ay iisang linya at bumangga sa likod,” dagdag pa ni Manongdo.
Inaalam pa ng kapulisan kung sangkot ang kotse sa illegal drag racing sa lugar o pawang mga lasing ang mga biktima.
Kinukuha pa ng mga imbestigador ang CCTV footage sa lugar.
