Isa sa mga nasawi sa pambobomba ng sinasabing miyembro Dawlah Islamiya.
SIYAM na umano’y miyembro ng Dawlah Islamiyah group ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar sa Piagapo, Lanao del Sur, ayon sa Philippine Army.
Sinabi ni PA public affairs chief Colonel Loiue Dema-ala na ang engkuwentro ay naganap sa Barangay Tapurog, PA public affairs chief Colonel Louie Dema-ala.
Walo sa siyam na nasawi ang kinilala ng militar.
Kabilang sa nasabi si Saumay Saiden (kilala rin bilang Ustadz Omar, Abu Omar, Saumay), isa sa pangunahing suspect sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) bombing noong Disyembre 2023.
Napatay din si Abdul Hadi (kilala bilang Hodi Imam, Abday’N) na umano’y gumawa ng mga pampasabog na kinamin sa pambobomba sa MSU.
Nabawi rin ang matataas na armas matapos ang engkuwentro.
“Ongoing pa rin ang pursuit operations,” ayon kay Dema-ala.
