MAHIGIT isang taon matapos suportahan ang kandidatura ng ngayo’y Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinalaga ng Palasyo bilang special envoy si Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo.
Hindi na bago kay Manalo ang trabaho ng isang special envoy for overseas Filipino concerns. Taong 2018 nang hirangin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang lider ng INC sa parehong posisyon sa gobyerno.
Higit na kilala ang INC sa impluwensyang bitbit sa tuwing may halalan. Sinuportahan ng grupo ni Manalo ang 2022 presidential bid ni Marcos Jr., gayundin ang katambal na ngayo’y Vice President Sara Duterte.
Hindi naman malinaw kung tatanggap ng buwanang sweldo at benepisyo si Manalo.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN