HINDI kailanman dapat paghintayin o paasahin ang mga mamamayang nagluklok sa mga opisyales ng pamahalaan.
Ito ang giit ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Paolo Ortega V sa patuloy na pananahimik ni Vice Presidente Sara Duterte hinggil sa mga alegasyong kalakip ng mga impeachment complaints na inihain sa Kamara.
Para kay Adiong, obligasyon ni VP Sara humarap sa ‘mini-trial’ ng House Committee on Justice para sagutin ang mga paratang, lalo pa’t nakaantabay umano ang taumbayan sa magiging sagot ng pangalawang pangulo sa kinakaharap na impeachment charges.
“This is not just about politics—this is about accountability under the Constitution. The Vice President is duty-bound to respond to the impeachment complaints. Public office is a public trust—the people deserve answers,” pahayag ni Ortega, na tumayong endorser ng 4th impeachment complaint.
Sa itinakdang ‘mini-trial’ ng Justice committee sa darating na Miyerkules, Marso 25, maraming Pilipino aniya ang nag-aabang — “The Filipino people are watching and waiting. This Wednesday is not just another hearing—it is a moment of accountability. Silence only raises more questions; clarity restores public confidence.”
Ang nasabing pagdinig aniya ang siyang tamang pagkakataon para makapag paliwanag si Duterte at sagutin ang mga kinakaharap na isyu.
“The House proceedings are not a trial—it’s an opportunity to explain her side. This is her best and most direct chance to address the allegations. If there are answers, this is the proper forum to present them,” sambit pa ng La Union solon.
Samantala, inihayag naman ni House Committee on Public Accounts chair at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na hanggang sa mga oras na ito ay wala pang pasabi sa Justice committee ang kampo ng pangalawang pangulo sa ipinaabot na imbitasyon.
“As of posting time, there has been no word or message from her camp,” ani Ridon.
Ayon sa Bicol Saro BL solon, ang pagkakaroon ng aktwal na partisipasyon ay bahagi ng prosesong itinataguyod ng Saligang Batas kung kaya marapat lamang na bigyan ng pagkakataon si Duterte na direktang sumagot sa harap ng mga mambabatas.
“The process is there to ensure that all sides are heard. It is an opportunity for the respondent to answer the allegations and clarify matters before the committee.”
