
ASAHAN na sa mga susunod ng linggo ang paglabas ng bagong curriculum para sa mas pinaikling high school, ayon sa isang opisyal ng Department of Education (DepEd).
Sa isang pulong-balitaan, hayagang rin sinabi ni Undersecretary Michael Poa na tumatayong tagapagsalita ng DepEd na nakatakda na rin ipatupad ang K-10 curriculum sa pagsipa ng school year 2024-2025.
Sa ilalim aniya ng bagong curriculum, mas tututukan ng bagong curriculum ang mga asignatura sa Math, Science, English, Reading at Values sa hangaring pataasin ang antas at kalidad ng edukasyon sa bansa.
Buwan ng Abril nang buksan sa publiko ng DepEd ang binalangkas na K-10 curriculum.
Samantala, matatagalan pa bago ganap na maibalik ng departamento sa lumang school calendar sa sistema ng edukasyon, batay na rin sa pag-aaral ng ahensya.
Kabilang sa mga aspetong kinokonsidera ng kagawaran ang init sa mga silid-aralan sa sa tuwing papasok ang tinaguriang summer season.
Sa ilalim ng lumang school calendar, karaniwang nagbubukas ang klase sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo.