SA masidhing pagnanais tiyakin ang magandang kinabukasan ng mga kabataan, isang munting handog ang inihatid ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda — P1,000 cash allowance sa tinatayang 150,000 estudyante sa nasasakupang distrito.
Paglilinaw ng bagitong kongresista, hindi natatapos sa pamamahagi ng cash allowance (na mula sa sariling bulsa) ang inisyatibang naglalayon pagaanin ang pasanin ng mga estudyante sa gastusin sa paaralan.
Bukod sa kongresista, kabilang rin sa dumalo sa paglulunsad ng programa sa Balayan National High School (BNHS), ang inang si Senador Loren Legarda, mga opisyales at kawani ng Department of Education (DepEd) at mga lokal na opisyal sa unang distrito ng lalawigan.
“Giving students allowances is a worthwhile investment for the government. This program would improve the academic performance of Filipino students, reduce poverty and increase our country’s long-term competitiveness,” wika ng bagitong mambabatas sa kanyang talumpati.
Dagdag pa niya, “giving assistance directly to students would be more efficient, equitable, and higher impact than other government projects, such that he has made this the focus of his own philanthropic initiatives.”
Sa unang araw pa lamang ng 20th Congress, pormal na inihain ni Leviste ang kanyang House Bill No. 27 o ang panukalang batas para sa pagtatatag ng National Student Allowance Program (NSAP).
Partikular na isinusulong ng Batangas congressman bigyan ng pamahalaan ang bawat Pilipinong mag-aaral mula kindergarten, elementary, high school hanggang college, anuman ang estado ng kanilang buhay ng hindi bababa sa P1,000 na allowance sa pagsisimula ng school year at sa kada buwan ng buong school year.
“A Filipino student shall receive the allowance subject to being enrolled in school and satisfying the minimum attendance requirements for classes so far during a given month of at least Eighty Percent (80%) or as otherwise determined by the DepEd and CHED,” saad sa isang hagai ng House Bill No. 27..
Matapos ang cash allowance distribution, na sinamahan din ng pagbibigay ng school bag at school supplies sa mga estudyante ng BNHS, nagkaroon pa ng katulad na programa, sa pamamagitan ng Lingkod Legarda Leviste Foundation sa elementary at high schools sa mga bayan ng Lian, Nasugbu, Calatagan at Tuy.
Ayon kay Leviste, susunod na pupuntahan niya para sa cash allowance at school supplies distributions ang mga mag-aaral ng Calaca, Lemery at Taal.
“We will complete distributing allowances before the end of the month for every student in the 1st District of Batangas at zero cost to the government,” pagtitiyak ng mambabatas.
Nang tanungin si Leviste kung paano niya gagawin ito, sinabi niya na masuwerte siyang bago pumasok sa pulitika ay mayroon siyang magandang career at negosyo sa nakalipas na ilang dekada.
Bago ang 2025 mid-term polls, ibinenta ni Leviste sa Meralco ang controlling shares ng kanyang Solar Philippines New Energy Corporation sa halagang P34 billion.
“I decided to enter politics over the past year so that I could help the first district of Batangas. So, I am deliberately putting my money where my mouth is and all of the educational assistance that we are giving out now to every high school and elementary school student in the first district of Batangas is coming at zero cost to government,” paglalahad ni Leviste.
“Just to give some background, that ako po ay 32 years old at siguro kahit na anong klaseng lifestyle ko, hindi ko mauubos ang kinita ko sa negosyo sa buong buhay ko at simple din naman po ako mabuhay,” saad pa niya.
“Wala pa akong anak… pero simula ngayong araw, ako po ay nakapagpaaral na ng mahigit 150,000 na estudante,” dagdag ni Leviste.
Inihayag din niya na para madagdagan pondo sa pagbibigay niya ang direktang tulong sa mga mag-aaral sa kanilang distrito, hindi rin siya tatanggap ng suweldo bilang mambabatas at hindi rin magpapatupad ng iba pang proyekto bagkus ay ilalaan niya itong lahat sa naturan niyang adbokasiya. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
