HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na makiisa sa panibagong kampanyang naglalayong wakasan ang nakamamatay na sakit tuberculosis sa bansa.
Partikular tinawagan ng pansin ng DOH ang mga lider sa mga komunidad at iba pang sektor para makiisa sa “Light Up PH” — isang adbokasiya patungo sa tuberculosis-free Philippines.
Bukod sa mga komunidad, pasok din sa mga kinalampag ng DOH ang bawat lokal na pamahalaan na makiisa sa sabayang pagsisindi ng pulang ilaw sa hudyat ng alas 6:00 ng hapon ng Marso 24, bilang simbolo ng determinasyon wakasan ang tuberculosis.
Inaanyayahan ng DOH ang mga organizer na gumamit ng alternative energy sources, makiisa sa light-up ceremony gamit lamang ang energy-efficient lighting sa loob lamang ng limang minuto at maging bahagi ng adhikain.
