Ni LILY REYES
ISANG 18-anyos na estudyante ang binawian ng buhay matapos makulong sa isang unit ng nasusunog na two-storey apartment row sa Barangay Sacred Heart sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng 3-door apartment na pag-aari ng isang Gregorio Ortega sa kahabaan ng Scout Limbaga.
Bagamat tuluyang natupok ang tatlong unit, wala naman ibang istrukturang nadamay bunsod ng pagbuhos ng ulan.Ganap na alas 10:00 ng umaga nang maapula ang sunog.
Ayon sa BFP, umabot lang sa unang alarma ang sunog na patuloy na iniimbestigahan sa hangaring matukoy ang sanhi ng insidente.
