
KALUNOS-lunos ang sinapit na kamatayan ng 41-anyos na construction worker matapos tamaan at makayod ng backhoe na ino-operate ng kapwa obrero sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.
Dead on arrival the Tri City Medical Center sa Pasig City ang biktimang si Manuel Casiro, 41 taong gulang, stay-in sa Chronos Construction site sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City.
Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) si Ricky Sorio, 33, ang backhoe operator ng nasabing construction company.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas 2:15 ng hapon noong Sabado (May 31) sa Chronos Construction site sa Brgy. Ugong Norte, sa nasabing lungsod.
Kapwa nasa construction site at nagtatrabaho ang biktima at suspek nang hindi sinasadyang tamaan ng backhoe ang una.
Natumba ang biktima at tinangkang iahon ni Sorio subalit hindi na gumagalaw ang kasamaha ng obrero.
Itinigil ni Sorio ang pag-operate sa backhoe at doon ay nakitang duguan ang biktima kaya agad itong tinakbo sa ospital subalit binawian na rin ng buhay.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang operator ng backhoe. (LILY REYES)