TAGAKTAK ang pawis ng mga tao sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos patayin ng pamunuan ng paliparan ang dalawang cooling system bunsod ng di umano’y “technical issue” kahapon.
Ayon sa ilang pasahero, hindi makatao ang alinsangan sa loob ng Terminal 3. Katunayan anila, may ilang pasahero ang dumanas ng pagkahilo sa tindi ng init na nadama sa loob ng paliparan.
Kasabay ng paghingi ng paumanhin, nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na agad naman anilang tinutukan ng engineering team ang pagkukumpuni ng sirang cooling tower para muling palamiggin ang temperatura sa loob ng Terminal 3
“We apologize for any inconvenience that the situation is causing to everyone. Rest assured that we are doing all we can to bring the air conditioning system to its full functionality.”
