
ARESTADO ang isagn partor sa Caloocan dahil sa umano’y paulit-ulit na rape ng ng babaeng miyembro ng kanilang sekta mula nang ito ay 15-anyos pa lamang.
Agad nagpalabas ng warrant of arrest ang Caloocan City Regiona Trial Court upang dakpin si Pastor Michael Moreno.
Sinabi ng biktima na inumpisahan siyang abusuhin ng pastor mula noong 2019 nang umanib siya sa sekta.
Ibinunyag ng biktima na nakararanas sya ng pagkahilo at nawawalan ng malay matapos siyang painumin at bigyan ng pagkain ng suspect, ayon kay Major Edward Samote, hepeng Manila Police District special operations unit.
Itinanggi naman ng pastor na dinodroga niya ang biktima. Hindi rin umano niya pinilit ang biktima na makipag-sex sa kanya.
Sinabi ng pastor na nagpupunta sa kanya ang biktima sa tuwing may problema hanggang sa magkahulugan sila ng loob.
Idinagdag ng pastor na nagreklamo ang biktima dahil nagseselos umano ito sa dati niyang kasintahan.