
LABING-LIMANG baril at shotgun ang nasamsam sa isang retiradong police official habang patungo sa Camp Crame sa Quezon City, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Hindi naman ibinunyag ni CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat ang pagkakakilanlan ng dating police officer na nagsabing patungong Philippine National Police (PNP) headquarters Gate 2 ang suspect nang masikubre ang 11 handguns at apat na shotgun sa sasakyan ng opisyal.
Pinahinto ng mga pulis ang sasakyan ng opisyal upang inspeksiyunin at doon na bumulaga ang mga armas.
Sa press briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni Caramat na gayong legal ang mga baril ng opisyal, ito ay nakapangalan sa isang security agency at wala umano itong exemption mula sa Comelec dahil ipinaiiral ngayon ang gun ban.