INAKALA ng isang sikat na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na sapat na ang kasikatan para malusutan ang bulilyaso matapos baybayin ang EDSA busway na para lang sa mga pampasadang bus.
Kinilala ng Department of Transportation (DOTr) ang PBA player na si Raymond Almazan ng Meralco Bolts team.
Ayon sa DOTR, tinangka pa di umano ni Almazan suhhulann ang isang traffic officer matapos masita dahil sa pagdaan sa EDSA busway.
Katunayan pa, ayon sa DOTr, hagip sa video footage ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang aktwal na panunuhol ni Almazan sa operatibang nakasita.
Sa ulat ni Coast Guard Jayson Montemayor, nagsasagawa ng operasyon ang SAICT noong Abril 13 nang parahin ang isang pribadong sasakyan na kalaunan ay napag-alamang minamaneho ni Almazan.
Inisyuhan ng citation ticket para sa Disregarding Traffic Sign (DTS) at Failure to carry OR/CR ang manlalaro.
Hindi naman sinabi ng DOTr kung inaresto si Almazan dahil sa panunuhol.
