PUMALO na sa 17 katao ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng pinagsamang epekto ng bagyong Inday at habagat, batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD).
Sa impormasyong ibinahagi ng OCD, kabilang sa mga nasawi ang 10 miyembro ng pamilyang natabunan ng gumuhong lupa sa Sarangani, dalawa sa Bukidnon at limang indibidwal mula sa Lanao del Sur.
Patuloy naman ang search and rescue operation sa siyam na taong nawawala.
Samantala, nasa 112,000 pamilya ang apektado ng bagyo at habagat mula sa 404 barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
