DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 14-anyos na binatilyo matapos makalabit ang bitbit na baril na gagamitin sana laban sa tumutugis na gwardya sa bayan ng Lantapan sa lalawigan ng Bukidnon.
Sa impormasyong ibinahagi ng lokal na pulisya, aksidenteng pumutok ang baril ng hindi pinangalanang menor-de-edad habang hinahabol ng gwardyang nakabisto sa umano’y pagnanakaw sa loob ng binabantayang paaralan.
Sa salaysay ng gwardya, tinangka umano nakawin ng binatilyong suspek ang welding machine at grinder.
Gayunpaman, hindi kumbinsido ang pamilya ng biktima. Anila, hindi magnanakaw ang binatilyo – bagay na kinontra ng punong-guro sa paaralan na nagsabing makailang ulit na umanong pinasok at ninakawan ng biktima ang eskwelahan. (EDWIN MORENO)
