
HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang apat na indibidwal habang nasa kritikal na kondisyon ang 13 iba pa matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa General Santos City.
Sa ulat ng lokal na pamahalaan, dakong alas 3:00 kahapon (Pebrero 16) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng National Highway sa bahaging sakop ng Barangay Apopong.
Kabilang sa mga nasawi ang drayber ng van na kinilala sa pangalang Rasol Angkop Adab ang tatlong senior citizens na lulan ng sasakyang minamaneho ni Adab.
Sugatan din ang iba pang walong senior citizens na sakay ng van.
Nagtamo rin ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang drayber ng pickup truck na si Harvey Collado at ang tatlong anak na edad 13, 9, at 2-anyos.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagtangka umanong mag-overtake pickup truck.