
PINAGHAHANDA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa paligid ng nag-aalburotong Bulang Mayon para sa agarang paglikas bunsod ng inaasahang pagragasa ng lahar bunsod ng nararanasang pag-ulan sa Bicolandia.
“Buong paligid ng bulkan maghanda,” ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol.
Ang mudflow o mas kilala sa tawag na lahar ay ang pagbaba at pagdaloy sa mga ilog at sapa ng nagbabagang lava na ibinuga ng bulkan.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 20,00 residente sa loob ng danger zone ng Mayon ang lumikas na mula nang isailalim sa alert level 3 ang bulkan.
“Kung nasa dalisdis lamang po sila ng bulkan na nasa taas, hindi po ito makaka-damage. Pero kung tuluy-tuloy ang pag-ulan puwede silang bumagsak katulad nung nangyari noong 2006. Recurring kasi itong lahar so more or less medyo aware na po ‘yung mga tao dito,” dagdag ni Bacolcol.
Ang Bicol Region at iba pang lugar sa Luzon ay patuloy na dumaranas ng pag-ulan dulot ng bagyong Dodong at habagat.