November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

MT. KANLAON, NAGBABADYA NA RIN PUMUTOK

NI LILY REYES

HINDI pa man nagtatagal mula nang sumambulat buwan ng Hunyo, muling nagpapahiwatig ang Mount Kanlaon sa Negros Island ng napipintong pagputok, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa pinakahuling abiso ng Phivolcs,  nakapagtala ng tatlong volcanic earthquake, kasabay ng pagbuga ng tinatayang 5,188 toneladang asupre.

Nananatili rin anang ahensya ang alert level 2 sa Kanlaon bilang paghahanda sa “phreatic eruptions.”

Paalala ng Phivolcs, mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Sa datos ng Phivolcs, isa ang Kanlaon sa mga pinaka aktibong bulkan sa nakalipas na pitong taon.