MATAPOS ang mahabang panahon ng pagkakatengga, muling sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Aganan Flyover sa bayan ng Pavia sa Iloilo.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni DPWH Secretary Vince Dizon ang proyekto sa interseksyon ng Benigno S. Aquino Jr. Avenue at Felix Gorriceta Avenue na naglalayong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lokalidad.
Una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Dizon ang agarang pagtatapos ng natitirang bahagi ng flyover. Target ng ahensya buksan sa trapiko ang northbound lane ng flyover bago matapos ang taon.
Inaasahan naman makumpleto ang buong proyekto pagsapit ng Marso 2027.
