TINATAYA sa 2,025 metriko tonelada ng hinihinalang smuggled Vietnamese rice na nagkakahalaga ng P100 milyon ang nasamsam ng mga lokal na opisyal ng Bureau of Customs nitong Lunes, Disyembre 25.
Sa kalatas, sinabi ng BOC na ang smuggled na bigas ay nakita sa Port of Orion.
Lulan ang mga bigas sa M/V “SF Omega” na nakadaong simula pa noong Disyembre 21.
Tinangka pang ibaba ang rice shipment at doon ay natuklasang illegal ito at ang ilang clearance mula sa Bureau of Plant Industry ay nagpapahintulot lamang ng hanggang 1, 700 MT ng produktong agrikultura. Wala rin umanong maipakitang rice importation clearance ang may dala ng bigas.
Sinamsam ng BOC ang bigas at iiimbestigahan ang mga taong sangkot ditto.