KUMPISKADO sa mga listong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P105.575-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa isang compound sa Barangay Santa Isabel, Dinalupihan, Bataan.
Nadiskubre sa loob ng compound ang 12 sasakyan na kargado ng humigit-kumulang 1,030 master cases ng sigarilyong may tatak na Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy at President.
Ayon sa paunang imbestigasyon, mula umano sa China, Vietnam at Korea ang mga produkto at planong ipakalat sa Regions II at III.
Binigyang-diin ni Nepomuceno na patuloy ang mahigpit na kampanya ng BOC laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng gobyerno.
“Through collaboration and cooperation among government agencies, we can work together to solve this problem and ensure that those who attempt to circumvent our laws are held accountable,” dagdag niya. (JULIET PACOT)
