HINDI sapat ang pag-aresto sa salarin, ayon kay acting Philippine National Police (PNP) chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez kaugnay ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Surigao del Sur.
Sa isang kalatas, ipinag-utos ni Nartatez ang malalim na imbestigasyon sa pamamaslang sa radio broadcaster na si Gerry Campos, sa hangaring matukoy ang motibo at madakip ang utak sa likod ng krimen.
Sabado ng umaga nang saksakin sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Marihatag si Campos. Agad din naman nadakip sa follow-up operation ng lokal na pulisya ang suspek.
Samantala, tiniyak ni Nartatez na patuloy na poprotektahan ng PNP ang mga miyembro ng media laban sa anumang panggigipit at karahasan. (EDWIN MORENO)
