HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman matapos paliguan ng tingga ng hindi pa nakikilalang salarin, sa git ng isang clean-up drive sa bayan ng Angat sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Wenceslao Bernardo na tumatayong kapitan ng Barangay Marungko. Batay sa salaysay ng mga kabarangay na kasama ni Bernardo, dakong alas 6:30 ng umaga sa Sitio Tugatog nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklong walang plaka. Paglapit sa biktima ng isa sa dalawang suspek, agad na bumunot ng baril at nagpaulan ng bala sa direksyon ni Bernardo. Paghandusay ng biktima, agad na bumalik ang salarin sa motorsiklo kung saan naghihintay ang kanyang kasama – at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Bustos, Bulacan. Kagyat na dinala ang barangay chairman sa sa Twin Care Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 71 KONGRESISTA INIP-TALO SA DELAYED FLIGHT NG EROPLANO MGA CYBER GADGETS SILAT SA HAYBOL NI ROQUE SA BENGUET