"Hindi porket humingi kami ng tawad nangangahulugan may kasalanan kami," wika ng dalawang GMA talent provider. (Kuha ni Cesar Morales)
Ni ESTONG REYES
KUMBINSIDO ang mga senador na mahaba-habang bakasyon ang gugulin ng dalawang GMA independent contractors sa likod ng masikip at mabahong selda, batay sa ebidensyang isinumite ng pamilya ni Sandro Muhlach.
Bukod sa palitan ng mensahe sa pagitan ni Sandro – na anak ni Niño Muhlach (na higit na kilala bilang “Boy Wonder ng Pelikulang Pilipino” noong dekada 70 at 80), sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada na may mga pinag-usapan sa isang executive session kung saan lumalabas na totoo ang panghahalay sa anak ni Niño Muhlach.
Sa pagdinig ng Senado, inilabas ng matandang Muhlach ang palitan ng text sa pagitan ng anak na si Sandro at Jojo Nones.
Gayunpaman, todo-tanggi pa rin sina Nones at Richard Cruz sa paratang na sexual harassment, lalo pa’t hindi naman di umano sila ang unang nagtext – at hindi din umano nila inanyayahan si Sandro sa hotel room.
JOJO: Nabitin ako sa inom hahaha
Sandro: Ako nga rin po eh
JOJO: Yes, soon. ika-cast kita nagdi-direk ako now
Sandro: Wow, sir. Looking forward to that too
JOJO: Gusto mo ba? We have some alcohol here in the room. We can order some more
Sandro: Sinu-sino po kayo, Sir? Hahaha
JOJO: Kasama ko mga drama peeps but we’re wrapping up in a bit.
Sandro: Andyan pa ba kayo sir? Baka po pwede dumaan saglit.
JOJO: Sure may kasama ka?
Sandro: No po ako lang.
Una nang isiniwalat ni Niño ang paghingi ng kapatawaran nina Nones at Cruz nang magkita pagkatapos ng insidente. Bukod sa dispensa, nag-alok din umano ang dalawang GMA independent contractor ng ‘donasyon’ saan mang charitable institution na kursunda ng pamilya Muhlach.
Bagamat aminadong humingi ng tawad, iginiit nina Nones at Cruz na hindi umano nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan ang kanilang pagpapakumbaba.
