HINDI biro ang ambag ng mga marinong Pinoy sa ekonomiya ng bansa, ayon sa isang senador, kasabay ng panawagang suklian ng kabutihan sa bisa ng kolektibong pagkilos para mabigyan ng angkop ng proteksyon ang naturang sektor.
Sa kanyang talumpati sa Expo Maritime Philippines 2023 na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel, binigyang pagkilala ni Sen. Cynthia Villar ang mga Pinoy seafarers sa iba’t ibang panig ng mundo. Aniya, higit na kailangan tiakin ligtas at hindi nadedehado ang mga marinong Pilipino saan mang panig ng mundo.
Hinikayat rin ni Villar ang mga dumalong stakeholders na pahalagahan ang sektor na nagbibigay ng tumataginting na P6.5-bilyong remittances kada taon.
Para kay Villar, marapat na magsanib-pwersa ang gobyerno at pribadong sektor na palakasin ang maritime industry na lubha aniyang apektado sa dagok na dala ng pandemya.
Partikular na tinukoy ng senador ang kinasadlakan dusa ng daan libong Pinoy seafarers na apektado sa tigil-operasyon ng 118 shipyards sa mga panahong binabagabag ng pandemya ang buong mundo.
“But now, it appears to be an opportune time to revitalize this sector. We welcome that this convention gives focus to the state and potentials of the shipbuilding industry in the Philippines as we learned that the Philippine government is encouraging investments for shipbuilding to flourish again in the country,” ayon kay Villar.
“Time and again, it is being reported that Filipinos are the preferred seafarers in the world, mainly because of the innate ability of Filipinos to cope up with marine life, being hardworking, flexible, jovial, being highly trainable and fluent in English,” sabi pa ng senador.
Sa datos ng United Nations Conference on Trade and Development, malaking bahagi ng bilang ng mga seafarers sa buong mundo ay dugong Pinoy. Katunayan aniya, isa sa bawat apat na marinong naglalayag sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay Pilipino.
Sa pagtataya ni Villar, nasa 380,000 ang Filipino seafarers na nakapag-ambag n P$6.543 bilyong foreign remittance sa Bangko Sentral ng Pilipinas noong taong 2021.
Buwan ng Hunyo ng nasabing taon, kusang-loob na pinahiram ni Villar ang event place na pag-aari ng pamilya sa lungsod ng Las Piñas, na nagsilbing vaccination center ng mga marinong Pinoy bago sumampa sa barko para sa nakagawiang trabaho.
Tumagal ng 10 buwan – mula June 2021 hanggang April 2022 – ang libreng paggamit ng Villar Tent.
“It is truly heartwarming for my family and I to have brought happiness, rendered service and to have assisted in affording protection to our migrant workers, including our seafarers.”