PALAISIPAN para sa Department of Agriculture (DA) kung paano nakapasok sa bansa ang tone-toneladang puting sibuyas na positibo sa salmonella.
Sa isang kalatas, hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang publiko na huwag tangkilikin ang mga imported white onions sa merkado.
Aniya, walang pahintulot mula sa departamento ang pag-angkat ng puting sibuyas mula sa bansang China.
Kamakailan lang, kinumpiska ng kagawaran ang nasa 34 na toneladang smuggled white onion at iba pang gulay sa isang operasyon na ikinasa ng ahensya sa lalawigan ng Pampanga.
Sa pagsusuri ng DA, lumalabas na positibo sa salmonella at “heavy metals” ang mga kinumpiskang sibuyas.
