ITINANGGI ni Senador Bong Revilla nitong Miyerkules na walang katotohanan ang mga balitang sinita siya sa pagdaan sa Edsa carousel busway at pinadaan na lamang nang malaman na sakay siya ng isa sa mga convoy.
“My daily commute is from the south to the Senate and there is no possibility I will be on Edsa in Mandaluyong. When attending official functions in the north, I take the Skyway from and back to the south,” paliwanag ni Revilla.
Anang senador, pagpapaliwanagin niya ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kung bakit nadawit ang kanyang pangalan.
“If it’s true that they apprehended someone using my name, they should have done their job and ticketed the violator,” giit ni Revilla.
Sa kanyang panig, sinabi ni ret. Col. Bong Nebrija, head of the Task Force Special Operations (TFSO) na magdesisyon lamang siya na paalisin ang convoy ni Revilla nang sabihin sa kanya ng enforcer na sakay ang senador sa sasakyan.
Hindi rin umano siya ang naroon kundi ang kanyang mga tauhan.
“Pinapagawa ko ng spot report ‘yung enforcer na nagsabi na nandon s’ya kasi yun lang ang basis namin to let him go, na nandon sya. Kasi kung wala si Senator Bong, di tinuluyan sana namin pero sinasabi ng mga tao nandyan si Senator Bong, nasa loob. So what can we do? We’re just doing our job,” sabi nito.
“Kung ipapatawag kami sa Senate then we will just answer it. Kasi sa totoo lang kung palagay namin na nandoon nga si Senator Bong, it is still my judgment call na ‘bakit mo pinagbigyan?’” dagdag pa nito.