KINUMPISKA ng mga tauhan ng Manila Police District ang mga illegal na paputok na ibinibenta sa Divisoria ngayong Miyerkoles, ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Ipinakita ni Manila Police District (MPD) PCP Commander P/Major Bernardino Diaz Venturina ang mga nakumpiskang illegal na paputok sa isang press conference.
Nanindigan naman si Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa pagbabawal sa pagbebenta ng paputok kasabay ng paghimok sa LGUs na ipagbawal ang paputok sa kanilang mga lugar.
Sinabi ni Abalos na ilang lokal na pamahaalan na ang nagpatupad ng total ban sa paputok sa kanilang munisipalidad at sa halip ay maglagay na lamang ng lugar kung saan awtorisado ang fireworks display.
Sa kalatas, sinabi ni Abalos na higit na mahalaga ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng selebrasyon.