PORMAL nang naisalin kay Brig. Gen. Redrico Maranan ang pamumuno sa Quezon City Police District (QCPD) sa kamay ng kapwa heneral na piniling magbitiw sa pwesto bunsod ng kontrobersiya.
Sa ginanap ng turnover ceremony QCPD Headquarters sa Camp Karingal, tiniyak ng bagong QCPD chief na isusulong ang mga programang magbibigay-daan para mabawi ang integridad ng pulisya.
Bago naging QCPD chief, si Maranan ay nagsisilbing Public Information Office chief ng Philippine National Police (PNP).
Matatandaang nagbitiw Brig. Gen. Nicolas Torre III bilang QCPD Director upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa viral road rage incident na naganap sa Welcome Rotonda noong Agosto 8, na kinasangkutan ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales at isang di pinangalanang siklista.
