SA halip na magretiro sa pulitika sa pagtatapos ng termino, pinili ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maghain ng certificate of candidacy (COC) para sa congressional seat ng unang distrito ng Marikina City.
Makakalaban ni Pimentel sa nalalapit na 2025 midterm election si Marikina City Mayor Marcy Teodoro, na magtatapos na sa kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng lungsod.
Para kay Pimentel, mas mainam na alternatibo ang pagiging kinatawan ng Marikina sa Kamara lalo pa aniya’t meron siyang malawak niyang karanasan bilang isang senador bukod sa kanyang pagiging abogado.
“Well, yung isa, naging nine years congressman, ako naging 12 years senator, so I’m a lawyer. Yung isa is not a lawyer. Well, siguro, sa tale of the tape, may laban naman tayo,” aniya.
Karagdagang Balita
PNP NA-WOW MALI SA ERMITA ILLEGAL POGO RAID?
PRICE CONTROL HIRIT SA BENTAHAN NG ISDA
PAOCC IWAS-PUSOY SA PALPAK NA POGO RAID SA ERMITA