November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

GATAS NG KALABAW, IBALIK SA MERKADO

NI ESTONG REYES

SA gitna ng walang puknat ng pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin – kabilang ang gatas, hinikayat ng isang senador ang Philippine Carabao Center (PCC) na mag-doble kayod para palakasin ang lokal na produksyon ng gatas ng kalabaw.

“PCC should make milk available, accessible, and affordable to all,”ani Sen. Cynthia Villar sa kanyang mensahe sa ika 30 anibersaryo ng PCC.

Partikular na tinukoy ng Senate Committee chairman on Agriculture ang seguridad sa supply ng gatas sa merkado at ang posibilidad na bumida sa buong mundo bilang pangunahing supplier ng gatas ng kalabaw maging sa ibayong dagat.

“PCC should continue working with their significant partners like governments of US, Japan, and Korea, other national government agencies, both houses of Congress, as well as the regional, provincial, and municipal local government units,” sabi pa ni Villar.

Pag-amin ng senador, hindi pa natutugunan ng pamahalaan ang hamon tulad ng water scarcity, mechanization, mababang reproductive efficiency, mababang forage production at kapos na datos ng dairy farm production.

Aniya pa, nasa 1% lang ang domestic demand ng gatas ng kalabaw sa bansang binabaha ng powdered milk mula sa ibang bansa.

Base aniya sa mga pag-aaral, mananatiling problema ng bansa ang sapat at abot-kayang food supply (kabilang ang gatas) sa mga susunod pang dekada.

“Not enough milk in a child’s diet has a ripple effect on his health. If the child cannot grow healthy and strong, he will have difficulty to learn in school and when he gets older, he will have a problem to earn a living and to eventually be a productive member of society.”

Taong 1992 nang likhain ang PCC na inatasang pangasiwaan ang “conservation, propagation” at “promotion” ng water buffalo na pangunahing pagkukunan ng karne at gatas.