
KUNG pagbabatayan ang 2023 Financial Report ng Commission on Audit (COA), nabibilang ang lungsod ng Davao sa talaan “wealthiest cities in the Philippines,” pero ang mga Davaoeño natatabangan sa serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan.
Para kay former Davao City Congressman Karlo Nograles, dapat kasabay ng pag-angat ng ekonomiya ng lungsod ang mas komprehensibong serbisyo, programa at proyekto para sa mga tao.
Ayon kay Nograles, hindi lubos na nadamarama ng mga Davaoeño ang pagbuti ng kalagayan at kabuhayan na aniya’y taliwas sa inaasahan.
“Davao City is one of the nation’s largest economies among highly urbanized cities (HUCs), yet our per capita GDP doesn’t reflect this prosperity for every Dabawenyo. It’s time we bridge this gap and ensure that the benefits of our economic growth are felt by all,” wika ni Nograles na kandidato sa pagka-alkalde ng Davao City.
Base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bagama’t kabilang ang kanilang lungsod sa top 10 cities na may mataas na economic output sa bansa, ang per capita GDP naman nito ay napag-iiwanan kumpara sa iba pang highly-urbanized cities.
“This means that while our city generates significant wealth, it is not translating into better incomes and opportunities for many of Davao City residents. For us, this is a challenge we must address,” sambit ng long-time public servant.
“Our goal should be clear: elevate Davao City’s per capita GDP into the top 10 nationwide. Achieving this means not just growing our economy but ensuring that every Dabawenyo benefits from this growth,” dagdag ng pambato ng administrasyon.
Nais din umano niyang makaabot o maramdaman ng bawat Davaoeño ang masaganang ekonomiya ng Davao City at hindi makilala lamang bilang pangunahing commercial hub sa rehiyon.
Para sa ganap na katuparan, isusulong ng three-termer congressman ang mga pangunahing pagbabago sa pamahalaang lungsod kabilang ang pagkakaroon ng full digitization sa operasyon at paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa lahat ng residente ng Davao City.
Magpapatupad din si Nograles ng streamlining ng government transactions, tuldukan ang red tape, at maging higit na business-friendly environment ang kanilang lungsod.
Maging ang Davao City transport system, nais din niyang lubos na mapagbuti para sa mahusay na mobility at makapang-engganyo lalo ng mga investor kung saan target din niyang nangungunang e-commerce at tech hub ang lungsod sa pamamagitan ng pagpapalakas sa digital industries sector ng lungsod, na magreresulta sa paglikha ng marami pang trabaho at mataas na kita ng mga Dabawenyo.