ARESTADO sa buy-bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Lanao del Norte ang magkabarkadang tulak ng droga, Huwebes ng gabi.
Sa kalatas ng PDEA, hindi bababa sa halagang P6.8-milyong halaga ng droga angb nasamsam ng mga PDEA agents mula sa mga suspek na kinilala lang sa pangalang Junaid, 20-anyos at isang alyas Wanda , 35-taong gulang na kapwa residente ng Poblacion Salvador sa bayan ng Lala ng nabanggit na probinsya.
Batay sa impormasyong nakalap ng mga mamamahayag, dakong alas 6:15 ng gabi nang ikasa ng pinagsanib ng pwersa ng PDEA-Zamboanga del Norte Provincial Office, PDEA Lanao del Norte Provincial Office, Regional Intelligence Unit 10, at Lala Municipal Police Station ang operasyon sa Purok Acacia, Barangay Maranding, Lala, Lanao del Norte.
Matapos dakpin, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at mga rug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (LILY REYES)
